You Are here: Home Languages French

English (United Kingdom)Tagalog (Philippines)
French Translator
Wikang Pranses

Tagapagsaling wika ng Pranses sa Ingles


Kumuha ng isang tagapagsaling wika ng Pranses sa Ingles o di kaya naman
ng Ingles sa Pranses para sa iyong mga papeles o dokumento.  Ang aming
mga tagapagsaling wika ay may kanya-kanyang "specialization" o pagiging
dalubhasa sa paksa ng isang dokumento. Masusi naming pinipili ang aming
mga "French translators" na nababagay sa klase ng dokumento. Kung kaya't
binibigyan namin ng panahon ang bawa't dokumento, upang maisalin ito ng
tama sa wikang nararapat. Mahalaga sa amin ang kalidad at kahusayan ng
aming serbisyo.

Sakop namin ang mga dokumentong medikal, papel ng kapanganakan o di
kaya'y ng kasal at pati na ang mga personal na sulat ay aming
binibigyang pansin. Ang aming tagapagsaling wika ay maaari ring dumalo
sa inyong piging o di kaya'y samahan ka sa isang pagtitipon na
kinakailangan ng isang "interpreter."

Kung nais mo ang isang dalubhasang "French translator" o tagasaling
wika sa Pranses, tumawag sa Pilipinas +63-2-9048047 o di kaya'y mag-text
sa +63-917-9687143.